Liham para sa bawat Pinoy Drayber

Sa araw araw na pagbagtas ko sa kahabaan ng EDSA, may isa akong napansin kung gaano tayo kawalang galang sa isa’t isa. Mula sa mga bus na walang harabas na nagbababa at nagsasakay ng pasahero at sa mga sasakyan na palipat-lipat ng kalsada na hindi gumagamit ng signal light. Hindi natin kayang sundin ang mga simpleng patakaran sa pagmamaneho tulad ng mga ilaw ng stoplight. Sabi nga nila red means stop, green means go and yellow means go faster – yan ang slogan ng Pinoy. Nakakalungkot isipin na ang ating asal sa kalsada ay nagpapakita ng ating kawalang disiplina. Ilang beses pa kailangan manghuli ng HPG, MMDA, etc. para sundin natin ang mga batas trapiko. Bilang isang drayber din, maraming beses ko ng naranasan na muntik mabangga o makabangga ng ibang sasakyan. Naranasan ko na din maging pasaway sa kalsda, isang bagay na hindi ko ipinagmamalaki kaya naman naniniwala ako na kung ating babaguhin at ating asal pagdating sa pagmamaneho mas magiging matiwasay ang ating paglalakbay.

Isang panawagan sa mga drayber ng bus, sana naman po maging mas maingat tayo sa pagmamaneho. Hindi po kami (ibang sasakyan) mga matchbox or target na isa isa nyo dapat pabagsakin o banggain. Minsan napapailing na lamang ako pag nakikita ko ang mga bus na nasa inner lane na ng EDSA as opposed to being in the bus lane. Minsan tuloy hindi ko masisi ang ibang mga drayber kung gusto nilang paalisin ang mga pampublikong bus sa EDSA. Sana po huwag na natin hintayin na may mamatay pa para lang magbago ang ating pananaw sa pagmamaneho.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.